Friday, April 24, 2009

Mga Awit ng Panghihinayang

auj lazaro
Sinusubukan niya pa din.
Na punan ang mga araw mula ng pagkawala ng kanyang puso.
Nakakabulag ang bilis ng pagdaan ng pag-ibig.
Iniwan siya nitong sugatan at walang kakapitan.
Pag-iisip na hindi matahimik.
Mga luhang nagmistulang asin na dahil sa walang katapusang pagdaloy.
Wala ng bakanteng silid sa puso niya.

Ilan pang pangarap ang dapat masawi?
Ilang pang bilang ng pagkukunwari?
Ilang pang pananakit ng pag-ibig ang dapat indahin
bago ka bumalik sa akin?

May pag-asa pa bang yakapin ako ng pag-asa?
Dadating pa kaya ang panahon na kakampihan ako ng panahon?
Didinggin pa kaya ang mga panalangin kong bumalik ka?
O sadyang mangungulila pa din ako ng walang katapusang pansamantala?

Gusto kong mahawakan ang mala porselana mong balat
At ang mukha mong tila anghel..
Pero ayoko.
Na gusto ko.
Na ayoko.

Ngunit kung ang tanging makapagbabalik ng sigasig sa buhay ko
ay ang apoy ng tila impyerno mong pag-ibig
Magpapasunog ako..
Magpapatapon sa kawalan ng walang hanggang pananakit..
at kasinungalingan ng ipinagkakait mo nang pagmamahal..

Sa muli..

Kung makikita pa natin ang isa't isa..

Kung makikita pa kita..


The author of this guest post, Auj Lazaro, is an eccentric woman who wears a kind face but a bitchy attitude -- of course, I am kiddin'! (Or maybe not). She gets sick when she reports for work and sleeps early only when there's a lot of work to be done. You can never get to her. Really. But you can reach her through her blog at http://www.iamauj.blogspot.com and check out more of her VERY customized eccentricities.

1 comments:

KRIS JASPER said...

I thought you composed it. Nice.

Hey there Mr. Menace!